Dikta ng Tadhana

 

Photo by: Emily Myrrh Clavel

Aking mahal,

Makinig ka sa aking sasabihin.

May gusto akong malaman mo.

Pinaglaban ko sa harapan ng mga kalangitan

Pinaglaban ko sa harapan ng aking mga magulang

Pinaglaban kita kahit masakit

Inuna ko ang pagmamahal ko kesa sa sakit na nadarama ko

Higit sa lahat, niluhod ko sa harapan ng Diyos na sana ikaw nalang.

Kasi naniwala ako sa kasabihang pag mahal mo, ipaglalaban mo.

Nung oras na sinabi mo na tama na,

Na ayaw mo na,

Napaisip ako kung bakit

Bakit kailangan nating maghiwalay

Bakit kailangan ang mga landas natin ay hindi na muli magtatagpo

Napaisip ako kung saan ako nagkulang

Araw araw, ika’y nasagi sa aking isipan

Araw-araw, ikaw ang laman ng aking bibig.

Ikaw rin ang laman ng aking mga dasal

Ngunit araw-araw din akong lumuluha,

Umaasa na magbabago ang lahat

Ang sakit

Sa sobrang sakit,

Ni kahit tanggapin ko pa ay mas lalong dumurugo ang aking puso.

Ngunit tadhana ang nagsabi sa akin na kailangan ko nang bumitaw

Na kailangan na kitang pakawalan, at ang sarili ko

Ang tadhana ay siya ring nangako sa akin na dadating ang panahon na maiintindihan ko ang lahat

Ngayon, wala na.

Makalipas ang isang taon

Natapos na ang kwento natin

Natapos na ang mga usapang kailangan linawin

Natapos na ang mga katanungan kong bakit

Sa mga araw na ninais kong ika’y makakasama habang buhay,

Sa mga araw na pinlano ko ang mga pangarap na tayo mismo ang nangarap

Sa mga araw na tanging tawa lamang ang maririnig sa mga pusong umibig

Sa mga araw na tanging katahimikan ang ating magandang himig.

Mahal,

Akala ko tayo.

Akala ko lang pala yun.

Pero ngayon,

Ako’y malaya na.

Malaya sa pag-ibig na meron ako sayo noon.

Malaya sa lugar kung saan ako naghintay, umasa at muling naghintay.

Sa lugar kung saan naghintay na parang merong darating.

Malaya na ko sa makitid kong utak na babalik ka pa,

Kasi hindi na.

Walang babalik.

At hindi na rin ako babalik sa ating nakaraan.

Ngunit isang araw nagpakita ka

Sabi mo hindi naman kailangan may magbago,

Pero mahal, alam naman natin na maraming nagbago

Gustuhin man natin o hindi,

Ang mga kalangitan ay pinagtagpo lamang tayo

Upang matuto

At siguro, siguro lang naman,

Ay ang mag iwan ng isang aral na may mga bagay na hanggang dun nalang.

At mahal, hanggang dito nalang tayo.

Iniwan ko na ang mga masasaya at malulungkot na alaala

Dahil alam kong karapatan ko din maging masaya at umibig muli.

Akala ko hindi ko kaya nang wala ka,

Akala ko rin pala yun.

Salamat.

Salamat.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s